FCCCSJ
Filipino Chinese Catholic Community of Saint Jude

Home   •   About FCCCSJ   •   Shopping   •   Careers@FCCCSJ   •  
Main Menu
 •News
 •Book Reviews
 •Film Reviews
 •Parish Reports
 •Gallery
 •Links
 •About St. Jude
 
Search
Look for:

Search WWW
Search fcccsj.org 
 
Daily Readings
Moreover, God is able to make every grace abundant for you. - 2 Corinthians 9:8
2 Corinthians 9:6-10
Psalm 112:1-2, 5-9
John 12:24-26
 
Contact Us
What can you say about our site? Did you find something wrong? Did you find a broken link? Let us know.
 
Si Martha


Dalawampung taon na kaming kasal ni Cindy. Masaya ang aming pamilya; kaming dalawa at ang anak naming si Joey. Ngunit sa kabila nito'y parang may kulang sa akin. Hindi ko alam kung ano itong hinahanap ko; basta't may kulang lang talaga.

"O, daanan mo ako dito sa bahay ha. Alam mo na naman ang daan papunta rito."

"Magbibihis lang muna ako at pagkatapos ay pupunta na ako riyan. Bye." Dali-dali akong nagpalit ng aking polo at sumakay sa kotse para sunduin si Martha. Kumain kami sa labas at pagkatapos ay nanood ng sine. Naging masaya ang gabing iyon para sa aming dalawa. Napadalas ang aming pagkikita at pagkain sa labas ni Martha.

Di nagtagal, nalaman ni Cindy ang tungkol rito kaya't napagpasiyahan ko na itigil na ang pakikipagkita kay Martha.

Isang araw, nagulat ako sa itinanong sa akin ni Cindy. "Honey, ba't hindi na kayo lumalabas ni Martha; nag-away ba kayo?" Pinagpawisan ako nang malamig at ito ang aking nasabi, "Hindi ka ba nagseselos?"

"Minsan. Pero alam kong mahal mo siya kaya hindi kita pipigilan. Besides, life is too short, so you need to spend time with the people you love."

"But I love you, Honey."

"Alam ko, pero mahal mo rin siya. Hindi ka siguro maniniwala sa sasabihin ko pero sa tingin ko, if the two of you spend more time together, it will bring both of us closer."

Hindi ako nakaimik. Ang akala ko'y hindi maiintindihan ni Cindy ang nararamdaman ko para kay Martha; iyon pala, siya pa ang unang makakaintindi sa akin.

Inangat ko kaagad ang telepono para tawagan si Martha. Inimbitahan ko siya sa isang dinner date. Matagal-tagal na rin noong huli kaming nagkita.

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Gusto mo ba talagang lumabas tayo?"

"But of course. I'll fetch you at around 8 pm."

Marami kaming napag-usapan ng gabing iyon. Na-miss talaga namin ang isa't isa. Pakiramdam ko nga, sobra kaming sweet dahil nagsusubuan pa kami habang pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero hindi ko sila pinansin. Basta't ang alam ko lang, masaya ako dahil nakasama ko uli si Martha.

"O Hon, kumusta ang date?" Tanong sa akin ni Cindy pagdating ko ng bahay.

"Great; it was really great! Thanks Honey."

Ngumiti lang sa akin si Cindy at niyakap ako nang mahigpit.

"I love you." Ang sabi niya sa akin.

Simula noon, naging bahagi na ng buhay ko ang pakikipagkita kay Martha. Hindi kami lumalabas nang madalas pero I make it a point na nag-uusap kami sa telepono at kumakain kami sa labas kahit man lang isang beses sa isang buwan. Madalas naming pag-usapan si Joey; magkasundong-magkasundo sila ng aking unico hijo; pati nga si Cindy ay lagi niyang nakakakuwentuhan.

Pinag-uusapan rin namin ang mga plano namin sa hinaharap. "Gusto ko, nandoon ako sa graduation ni Joey." Ang sabi ni Martha.

Lumipas ang ilang maliligayang taon sa buhay ng aking pamilya. Sa edad na 85 ay iniwan na kami ni Martha. Bagamat wala na siya, natutuwa ako dahil naging maganda ang takbo ng aming pagsasama noong siya'y nabubuhay pa.

Tama si Cindy. Kapag mahal mo ang isang tao, kailangang iparamdam mo ito sa kanya; tulad na lamang ng ginawa ko kay Martha. Tama rin si Cindy nang kanyang sabihin na si Martha ay makatutulong na lalong patibayin ang aking pamilya. Tinuruan ako ni Martha na gumugol ng sapat na oras kasama ng aking asawa't anak. Ipinaliwanag niya sa akin ang kahalagahan ng buhay. At dahil sa kanya, natuto akong maging isang mabuting asawa at ama.

Napakalaki ng papel na ginampanan ni Martha sa aking buhay. Marami man akong naging mga pagkukulang sa kanya, hindi pa rin siya tinalikuran ang kanyang responsibilidad sa akin.

Kaya't para sa dalawang pinakamahalagang babae sa aking buhay, ito lang ang aking masasabi…

"Cindy, salamat sa pagiging isang napakadakilang asawa. At sa iyo naman Martha, salamat sa lahat-lahat; isa kang dakilang ina; sana'y naging isa akong mabuting anak sa iyo. Cindy, Martha, I LOVE YOU!"


News
 • The Eucharist and Social Justice
 • With Hearts Burning
 • FCCY: Helping Transform Baseco through GK
 • FCCY 23rd National Convention: Empowering Us to Make a Difference in the Context of Christian Discipleship
more
 

More Articles
 • In Search of the Real Mary
 • Si Martha
 • The May Magnificat
 • The Story of Mother's Day
 
Site Tips
You can find lots of interesting discussions in the Message Board.
 
Schedule for September
5  9:00 - 10:00
Community Mass
12  8:00 - 9:00
Community Mass
19  9:00 - 10:00
Community Mass
26  8:00 - 9:00
Community Mass
11:00 - 12:00
Megamall Mass
 
Quote of the Day
Oh God, I don't love you, I don't even want to love you, but I want to want to love you! --- St. Teresa of Avila
 
Didache
A Wedding Story

Copyright 2010. All images and articles are copyrighted by the Filipino Chinese Catholic Community of St. Jude. Unauthorized use of which is prohibited by law.